Leviticus 7:21
Kung sinuman ang makahahawak ng anumang bagay na marumi—kahit ang taong walang kalinisan, o hayop na hindi malinis, o alin mang hindi malinis at nakapandidiring bagay, at kung kinain niya ang ilan sa karne na isang alay na handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Pagkatapos nangusap si Yahweh kay Moises, sinasabing,
Cross References
Genesis 17:14Sinuman sa mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat ay ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan. Sinira niya ang aking tipan.
Exodus 12:19Sa loob ng pitong araw na ito, dapat walang lebadura ang makikita sa loob ng inyong mga tahanan. Kung sinuman ang kakain ng tinapay na may lebadura ay dapat itiwalag sa komunidad ng Israel, kahit na ang taong iyon ay isang dayuhan o isang taong ipinanganak sa inyong lupain.
Leviticus 5:2O kung sinuman ang makakahipo ng anumang bagay na itinalaga ng Diyos bilang marumi, maging patay na katawan ito ng isang marumi na mabangis na hayop o katawan ng anumang mga hayop na patay, o gumagapang na hayop, kahit na hindi sinasadyang mahipo ito ng tao, siya ay marumi at nagkasala.
Leviticus 7:20Subalit, ang taong marumi na kumain sa anumang karne mula sa alay ng isang handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh—dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.
Leviticus 7:27Sinuman ang kumain ng anumang dugo, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”'
Leviticus 11:20Dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na kulisap na lumalakad gamit ang mga paa.