Genesis 17:14
Sinuman sa mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat ay ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan. Sinira niya ang aking tipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:24Ngayon habang nasa daan, nang huminto sila para sa gabi, si Yahweh ay nakipagkita kay Moises at sinubukang patayin siya.
Exodus 12:19Sa loob ng pitong araw na ito, dapat walang lebadura ang makikita sa loob ng inyong mga tahanan. Kung sinuman ang kakain ng tinapay na may lebadura ay dapat itiwalag sa komunidad ng Israel, kahit na ang taong iyon ay isang dayuhan o isang taong ipinanganak sa inyong lupain.
Exodus 30:38Ang sinumang gumawa ng anumang gaya nito para gamitin bilang pabango ay dapat alisin mula sa kaniyang bayan.”
Leviticus 7:25Sinuman ang kumain ng taba ng isang hayop na maaaring ihandog ng mga lalaki bilang isang alay na susunugin sa apoy para kay Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga lahi.
Leviticus 18:29Ititiwalag sa kanilang mga tao ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito.
Numbers 15:30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao..