Leviticus 7:24
Ang taba ng isang hayop na namatay na hindi naalay, o ang taba ng isang hayop na nilapang mga mababangis na hayop, maaaring gamitin para sa ibang mga layunin, pero tiyak na hindi ninyo dapat kainin ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:30Dapat din ninyong gawin sa inyong mga baka at sa inyong tupa. Dahil sa loob ng pitong araw mananatili sila sa kanilang mga ina, pero sa loob ng ikawalong araw dapat ninyong ibigay sila sa akin.
Leviticus 17:15Bawat tao na kumain ng isang patay na hayop o ginutay-gutay ng mga mababangis na hayop, maging ang taong iyon ay katutubo o isang dayuhang naninirahan kasama ninyo, dapat niyang labahan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig, at patuloy siyang marumi hanggang gabi. Pagkatapos nito magiging malinis na siya.
Deuteronomy 14:21Hindi ninyo dapat kainin ang anumang hayop na kusang namatay; maaari ninyo itong ibigay sa dayuhan na nasa inyong mga tarangkahan, na maaari niyang kainin ito; o maaari ninyo itong ipagbili sa isang dayuhan. Sapagka't kayo ay isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag ninyong pakuluan ang isang batang kambing sa gatas ng ina nito.
Ezekiel 44:31Hindi kakain ang mga pari ng anumang patay na hayop o hayop na ginutay-gutay ng mabangis na hayop, maging ibon o mabangis na hayop.