The Bible Software
bible.softwareLeviticusLeviticus 7 › Leviticus 7:35

Leviticus 7:35

Ito ay bahagi para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan mula sa mga handog para kay Yahweh na sinunog sa apoy, sa araw na iniharap sila ni Moises para maglingkod kay Yahweh sa gawain ng pari.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

This is the portion of the anointing of Aaron, and of the anointing of his sons, out of the offerings of the LORD made by fire, in the day when he presented them to minister unto the LORD in the priest’s office;

In Context

34Dahil kinuha ko ang handog na dibdib at hita na itinaas at idinulog sa akin, at ibinigay ko ang mga ito kay Aaron, ang pinakapunong pari at sa kaniyang mga kaapu-apuhan; patuloy itong magiging kanilang bahagi mula sa mga alay na handog para sa kapayapaan na ginawa ng bayan ng Israel.

36Ito ang mga bahagi na iniutos ni Yahweh na ibigay sa kanila mula sa bayan ng Israel, sa araw na kaniyang hinirang ang mga pari. Patuloy itong magiging kanilang bahagi sa lahat ng mga salinlahi.

Read all of Leviticus 7

Cross References

Exodus 28:1Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.

Exodus 29:7Pagkatapos kumuha ng pambasbas na langis at ibuhos sa kaniyang ulo, at sa ganitong paraan siya babasbasan.

Exodus 40:13damitan mo si Aaron ng mga kasuotan na nailaan sa akin, pahiran mo siya, at ilaan mo siya sa akin ng sa ganoon siya ay makapaglingkod sa akin bilang aking pari.

Leviticus 8:30Kumuha si Moises ng kaunting pampahid na langis at dugo na nasa ibabaw ng altar; iwinisik niya ang mga ito kay Aaron, sa kaniyang mga damit, sa kaniyang mga anak na lalaki, at sa mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki. Sa ganitong paraan inihandog niya si Aaron at ang kaniyang mga damit, at kaniyang mga anak na lalaki at ang kanilang mga damit kay Yahweh.

Numbers 18:8Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo ang tungkulin sa pag-iingat ng mga handog na itinaas sa akin, at lahat ng mga banal na handog na ibinigay sa akin ng mga tao ng Israel. Ibinigay ko ang mga handog na ito sa iyo, at sa iyong mga anak na lalaki bilang iyong patuloy na bahagi.

Isaiah 61:1Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Leviticus 7:35

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Leviticus 7:34Leviticus 7Leviticus 7:36 →