Luke 10:28
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong sinabi. Gawin mo ito, at mabubuhay ka.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And he said unto him, Thou hast answered right: this do, and thou shalt live.
In Context
Cross References
Leviticus 18:5Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga utos at aking mga batas. Kung susunod ang isang tao sa mga ito, mabubuhay siya dahil sa mga ito. Ako si Yahweh.
Ezekiel 20:11Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanila ang aking mga kautusan at ipinaalam ko sa kanila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya.
Ezekiel 20:21Ngunit naghimagsik laban sa akin ang kanilang mga anak na lalaki at babae. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan o sinunod ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Nilapastangan nila ang aking Araw ng Pamamahinga, kaya ipinasya kong ibuhos sa kanila ang aking matinding galit upang mapawi ang aking poot laban sa kanila sa ilang.
Mark 12:34Nang makita ni Jesus na siya ay nagbigay ng matalinong kasagutan, sinabi niya sa kaniya, “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.” Matapos iyon walang sinumang nangahas magtanong kay Jesus ng anumang mga katanungan.
Romans 3:19Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos.
Galatians 3:12Ang kautusan ay hindi galing sa pananampalataya, sa halip, “Ang mga gumagawa sa mga bagay na ito na nasa kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga kautusan.”