Leviticus 18:5
Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga utos at aking mga batas. Kung susunod ang isang tao sa mga ito, mabubuhay siya dahil sa mga ito. Ako si Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Walang sinuman ang dapat na sumiping sa malapit na kamag-anak niya. Ako si Yahweh.
Cross References
Exodus 6:2Kinausap ng Diyos si Moises at sinabi sa kaniya, “Ako si Yahweh.
Exodus 6:29sinabi niya sa kaniya, “Ako si Yahweh. Sabihin mo kay Paraon, ang hari ng Ehipto, lahat ng sasabihin ko sa iyo.”
Deuteronomy 30:6Tutuliin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong puso at ang puso ng inyong mga kaapu-apuhan para mamahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa, para kayo ay mabuhay.
Nehemiah 9:29Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.
Ezekiel 20:13Ngunit naghimagsik ang sambahayan ng Israel laban sa akin sa ilang. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan; sa halip, tinanggihan nila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Labis nilang nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga, kaya sinabi kong, ibubuhos ko sa kanila sa ilang ang aking matinding galit upang tapusin sila.
Malachi 3:6Sapagkat akong si Yahweh ay hindi nagbabago; kaya kayong mga tao ni Jacob ay hindi pa nalilipol.