Luke 12:42
Sinabi ng Panginoon, “Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 36:4Kaya ang lahat ng mga taong bihasa na gumagawa sa banal na lugar ay lumapit kay Moises mula sa paggawa ng kanilang mga gawain.
Proverbs 15:23Ang tao ay nakakahanap ng kaligayahan kapag siya ay nagbibigay ng matalinong sagot; Napakabuti ng napapanahong salita!
Jeremiah 23:4Pagkatapos ay magbabangon ako ng mga pastol na magpapastol sa kanila upang hindi na sila matatakot o magugulo. Wala ng maliligaw sa kanila—Ito ang pahayag ni Yahweh.
Matthew 13:52At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”
Matthew 24:45Kaya sino ang matapat, matalino na utusan na pinagkatiwalaan ng kaniyang amo sa kaniyang sambahayan, upang magbigay ng kanilang pagkain sa tamang panahon?
Luke 7:13Pagkakita sa kaniya, ang Panginoon ay labis na nahabag sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Huwag kang umiyak.”