Matthew 13:52
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
51Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?” Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Oo.”
53At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito ay umalis na siya sa lugar na iyon.
Cross References
Ezra 7:10Pinatatag ni Ezra ang kaniyang puso sa pag-aaral, sa pagsasagawa, at pagtuturo sa mga alituntunin at mga utos ng batas ni Yahweh.
Proverbs 10:20Ang dila na siyang gumagawa nang matuwid ay purong pilak; ito ay may maliit na halaga sa puso ng masama.
Proverbs 15:7Ang labi ng mga matatalinong tao ay nagbabahagi ng kaalaman, pero hindi ang puso ng mga mangmang.
Proverbs 18:4Ang mga salitang mula sa bibig ng tao ay malalim na katubigan, ang bukal na pinagdadaluyan ng karunungan.
Ecclesiastes 12:9Ang Mangangaral ay matalino, at tinuruan niya ang mga tao nang kaalaman. Inaral, inisip at iniayos niya ang maraming kawikaan.
Matthew 12:35Ang mabuting tao mula sa mabuting kayamanan ng kaniyang puso ay naglalabas ng mabuti at ang masamang tao na may masamang kayamanan sa kaniyang puso ay naglalabas ng masama.