Luke 15:13
Pagkaraan ng ilang mga araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kaniyang pag-aari at pumunta sa isang malayong bansa, at doon ay winaldas niya ang kaniyang pera sa pagbili ng mga bagay na hindi niya kailangan, at pag-aaksaya ng kaniyang pera sa masamang pamumuhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 21:13Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol.
Psalms 10:4Ang masasamang tao ay nakataas-noo; hindi niya hinahanap ang Diyos. Hindi niya kailanman iniisip ang tungkol sa Diyos dahil siya ay wala talagang pakialam sa kaniya.
Proverbs 5:8Lumayo kayo sa kaniyang landas, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay.
Proverbs 18:9Sinumang tamad sa gawain ay kapatid sa taong mapanira.
Proverbs 21:20Ang pinakamahal na yaman at langis ay nasa tahanan ng matalino, ngunit inaaksaya ito ng mangmang na lalaki.
Proverbs 27:8Ang isang ibon na pagala-gala mula sa pugad nito ay katulad ng isang taong naliligaw sa kaniyang tinitirhan.