Luke 2:41
Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taon-taon para sa Pista ng Paskwa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Now his parents went to Jerusalem every year at the feast of the passover.
In Context
40Ang bata ay lumaki at naging malakas, lumalawak sa karunungan at ang biyaya ng Diyos ay nasa kaniya.
Cross References
Exodus 12:14Ang araw na ito ay magiging araw ng pag-alaala para sa inyo, kung saan dapat ninyong sundin bilang isang pista para kay Yahweh. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo, sa lahat ng inyong mga salinlahi, na dapat ninyong sundin ngayong araw.
Exodus 34:23Dapat haharap sa akin ang lahat ng inyong lalaki, si Yahweh na Diyos ng Israel, tatlong beses sa bawat taon.
Numbers 28:16Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, dumadating ang Paskua ni Yahweh.
Deuteronomy 12:11pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh.
Deuteronomy 16:1Tandaan ang buwan ng Abib, at panatilihin ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos, sapagka't sa buwan ng Abib dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos palabas ng Ehipto sa gabi.
1 Samuel 1:3Umaalis ang taong ito mula sa kanyang siyudad taon-taon upang sumamba at mag-alay kay Yahweh ng mga hukbo sa Shilo. Naroon ang dalawang anak na lalaki ni Eli, sina Hofni at Pinehas, na mga pari kay Yahweh.