Luke 23:56
Sila ay umuwi, at naghanda ng mga pabango at mga pamahid. At sa araw ng Pamamahinga, sila ay nagpahinga ayon sa kautusan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:8Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, ihandog ninyo ito sa akin.
Exodus 35:2Sa ikaanim na araw ang lahat ng gawain ay maaaring nagawa na, ngunit sa inyo, ang ikapitong araw ay dapat na banal na araw, ang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, na banal kay Yahweh. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay papatayin.
2 Chronicles 16:14Inilibing nila siya sa kaniyang sariling libingan, na ipinahukay niya sa lungsod ni David para sa kaniyang. Inilagay siya sa kabaong na puno ng mababangong amoy at iba't ibang uri ng pabango na inihanda ng mga taong mahusay gumawa ng pabango. Pagkatapos, gumawa sila ng napakalaking apoy bilang parangal sa kaniya.
Jeremiah 17:24Ito ay mangyayari kung tunay na nakinig kayo sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—at huwag kayong magbuhat ng pasan sa mga tarangkahan ng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga ngunit sa halip ilaan ninyo kay Yahweh ang Araw ng Pamamahinga at huwag kayong gagawa ng anumang gawain—
Luke 24:1Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, pumunta sila sa libingan, dala-dala ang pabangong ihinanda nila.