Luke 5:35
Subalit darating ang mga araw na aalisin mula sa kanila ang lalaking ikakasal, at sa mga araw na iyon sila ay mag-aayuno.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 9:26Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.
Matthew 6:17Ngunit ikaw, kung mag-aayuno ka, lagyan mo ng langis ang iyong ulo at maghilamos ka.
Luke 24:17Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa habang naglalakad kayo?” Huminto sila na nalulungkot.
John 13:33Mga batang paslit, makakasama pa ninyo ako ng maikli pang panahon. Hahanapin ninyo ako, at tulad ng sinabi ko sa mga Judio, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakapunta.' Ngayon sinasabi ko rin ito sa inyo.
John 16:4Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang kung ang oras ay dumating para ang mga ito ay mangyari, maaari ninyong maalala ang mga ito at kung paano ko sinabi sa inyo ang mga bagay tungkol sa mga ito. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong simula dahil ako ay kasama ninyo.
John 16:28Nagmula ako sa Ama, at ako ay dumating sa mundo; muling lilisanin ko ang mundo at ako ay pupunta sa Ama.