Luke 7:38
Tumayo siya sa likuran ni Jesus malapit sa kaniyang mga paa at umiyak. At sinimulan niyang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ang mga ito ng pabango.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 2:4Nang sinabi ng anghel ni Yahweh ang mga salitang ito sa lahat ng bayan ng Israel, sumigaw at nanangis ang mga tao.
Psalms 6:6Pagod na ako sa aking paghihinagpis. Buong gabi kong binabasa ng luha ang aking higaan; hinuhugasan ko ng luha ang aking upuan.
Psalms 51:17Ang mga alay na karapat-dapat sa Diyos ay isang basag na kalooban. Hindi mo hahamakin, O Diyos, ang isang basag at nagsisising puso.
Ecclesiastes 9:8Lagi mong panatilihing puti ang iyong mga damit at ang iyong ulo ay pinahiran ng langis.
Isaiah 57:9Kayo ay pumunta sa hari na may langis; pinarami ninyo ang inyong mga pabango. Ipinadala ninyo sa malayo ang inyong mga kinatawan; kayo ay bumaba sa sheol.
Jeremiah 31:9Darating sila na umiiyak, pangungunahan ko sila habang sila ay nagsusumamo. Paglalakbayin ko sila sa mga batis ng tubig sa isang tuwid na daan. Hindi sila madadapa dito, sapagkat ako ang magiging isang ama ng Israel at ang Efraim ang magiging una kong anak.”