Luke 8:24
At lumapit ang mga alagad ni Jesus sa kaniya at siya ay ginising, nagsasabi, “Panginoon! Panginoon! Tayo ay nasa bingit ng kamatayan!” Siya ay gumising at sinaway ang hangin at ang nagngangalit na tubig at ang mga ito ay humupa, at nagkaroon ng kapanatagan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 65:7Ikaw ang nagpapatahimik sa umaatungal na mga dagat, umaatungal na mga alon, at kaguluhan ng mga tao.
Psalms 104:6Binalot mo ang daigdig ng tubig tulad ng isang damit; binalot ng tubig ang mga bundok.
Psalms 116:3Ang mga tali ng kamatayan ay pinaligiran ako, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan ko; aking nadama ang hapis at kalungkutan.
Isaiah 50:2Bakit nagpunta ako pero walang naroroon? Bakit tumawag ako pero walang sumagot? Masyado bang maiksi ang kamay ko para tubusin kayo? Wala ba akong kapangyarihan para iligtas kayo? Tingnan ninyo, sa aking pagsasaway natutuyo ko ang dagat; ginagawa kong disyerto ang mga ilog; namamatay ang mga isda nito dahil sa kakulangan ng tubig at nabubulok.
Lamentations 3:54Dumaloy ang tubig sa aking ulo, sinabi ko, “Nilagot ako!”
Matthew 14:30Ngunit nang napansin ni Pedro ang hangin, siya ay natakot. Habang siya ay nagsimulang lumubog, sumigaw siya at sinabi, “Panginoon, iligtas mo ako!”