Malachi 2:11
Gumawa nang pandaraya ang Juda at kasuklam-suklam na mga bagay ang ginawa sa Israel at sa Jerusalem. Sapagkat nilapastangan ng Juda ang banal na lugar ni Yahweh na kaniyang iniibig at napangasawa niya ang anak na babae ng isang dayuhang diyus-diyosan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:1At nangyari na nang nagsimulang dumami ang sangkatauhan sa mundo at ang mga anak na babae ay isinilang sa kanila,
Leviticus 18:24Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
Deuteronomy 7:3Ni naisin ninyo na makipag-ayos ng kasal sa kanila; hindi ninyo ibibigay ang inyong mga anak na mga babae sa kanilang mga anak na lalaki, at hindi ninyo kukunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki.
Deuteronomy 33:26Walang sinumang katulad ng Diyos, Jesurun— isang matuwid, na nakasakay sa kalangitan para tulungan ka, at sa kaniyang kaluwalhatian sa mga ulap.
1 Kings 11:1Ngayon nagmahal si Solomon ng maraming dayuhang babae: ang anak na babae ng Paraon, mga babaeng Moabita, Ammonita, Edomita, Sidomita at mga babaeng Heteo—
Ezra 9:12Kaya ngayon, huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak; at huwag ninyong kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak, at huwag ninyong asamin ang kanilang kasalukayang kapayapaan at mabuting kalalagayan, upang manatili kayong malakas at makakain ang bunga ng lupain, upang dulutan ninyo ang inyong mga anak na magmay-ari nito sa lahat ng panahon.”