Malachi 2:7
Sapagkat ang labi ng pari ay dapat ingatan ang kaalaman at dapat sumangguni ang mga tao ng tagubilin sa kaniyang bibig, sapagkat siya ang aking mensahero, ako si Yahweh ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 27:21Pupunta siya sa harapan ni Eleazar na pari upang hingin ang aking kalooban sa mga desisyon sa Urim para sa kaniya. Ito ay magiging kaniyang mga utos na ang mga tao ay lalabas at papasok, siya at ang lahat ng mga tao ng Israel na kasama niya, ang buong sambayanan.”
Deuteronomy 21:5Dapat lumapit ang mga pari, mga kaapu-apuhan ni Levi, dahil sila ang pinili ni Yahweh na inyong Diyos para paglingkuran siya at para pagpalain ang mga tao sa pangalan ni Yahweh; makinig sa kanilang mga payo, dahil ang kanilang salita ang magiging pasya sa bawat pagtatalo at kaso ng pagsalakay.
2 Kings 16:11Kaya si Urias ang pari ay nagtayo ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Haring Ahaz mula sa Damasco. Ito ay natapos bago bumalik si Haring Ahaz mula sa Damasco.
2 Chronicles 17:8Kasama nila ang mga Levita: Sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonijas, Tobias at Tobadonijas at kasama nila ang mga paring sina Elisama at Jehoram.
2 Chronicles 30:22Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Nehemiah 8:2Sa unang araw ng ika-pitong buwan, si Ezra, ang pari ay dinala ang batas sa harap ng pagpupulong, sa kapwa mga lalaki at babae, at sa lahat ng nakakarinig at nakakaunawa.