2 Mga Cronica 30:22
Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
Cross References
Deuteronomy 26:3Dapat kayong pumunta sa pari na naglilingkod sa mga araw na iyon at sabihin sa kaniya, 'Kinikilala ko ngayon si Yahweh na iyong Diyos kaya pumarito ako sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa ating mga ninuno na ibibigay sa atin.'
2 Chronicles 15:3Ngayon, sa napakahabang panahon, hindi kasama ng Israel ang tunay na Diyos, walang nagtuturong pari at wala ang kautusan ng Diyos.
2 Chronicles 32:6Naglagay siya ng mga pinunong kawal na mangangasiwa sa mga tao. Tinipon niya silang sama-sama sa kaniyang harapan sa malawak na lugar sa tarangkahan ng lungsod at pinalakas niya ang kanilang kalooban. Sinabi niya,
Ezra 7:10Pinatatag ni Ezra ang kaniyang puso sa pag-aaral, sa pagsasagawa, at pagtuturo sa mga alituntunin at mga utos ng batas ni Yahweh.
Ezra 10:11Ngunit ngayon purihin si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at gawin ang kaniyang kaloooban. Humiwalay kayo sa mga tao sa lupain at mula sa mga dayuhang babae.
Nehemiah 8:18Gayundin araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huli, si Ezra ay nagbasa mula sa Aklat ng Batas ng Diyos. Pinanatili nila ang kapistahan nang pitong araw at sa ikawalong araw ay isang taimtim na pagpupulong, bilang pagsunod sa kautusan.