Mark 10:23
Tumingin si Jesus sa kaniyang paligid at sinabi sa kaniyang mga alagad, “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 18:3at sinabi, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, maliban na lamang kung kayo ay magsisi at maging katulad ng mga maliliit na bata, hindi talaga kayo makapapasok sa kaharian ng langit.
Mark 3:5Tiningnan niya sila ng may galit, labis siyang nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat niya ang kaniyang kamay at pinagaling ito ni Jesus.
Mark 10:15Totoo, sinasabi ko ito sa inyo, sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang maliit na bata ay tiyak na hindi makakapasok dito.”
John 3:5Sumagot si Jesus, “Tunay nga, maliban kung ipinanganak ang isang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.
James 2:5Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid, hindi ba pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at manahin ang kaharian na ipinangako sa kanila na nagmamahal sa kaniya?
2 Peter 1:11Sa gayon, ang daan ay masaganang ipagkakaloob sa inyo sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.