Mark 15:19
Hinampas nila ang kaniyang ulo ng tambo at dinuraan siya. Nagluhod-luhuran silang nagpakita ng paggalang sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Nagsimula silang saluduhan siya at sinabi, “Mabuhay, Hari ng mga Judio!”
Cross References
Genesis 43:28Sila ay nagsalita, “Ang iyong lingkod ang aming ama ay mabuti naman. Siya ay buhay pa.” Sila ay dumapa at yumuko.
Esther 3:2Lahat ng mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay palaging lumuluhod at nagpapatirapa kay Haman tulad ng inutos ng hari na gawin nila. Ngunit si Mordecai ay hindi lumuhod ni pinatirapa ang kanyang sarili.
Job 30:8Sila ay mga inapo ng mga hangal; tunay nga, na walang kwentang mga tao; pinalayas sila sa lupain sa pamamagitan ng mga pamalo.
Psalms 35:15Pero nang ako ay natisod, natuwa sila at nagsama-sama; nagsama-sama sila laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay.
Psalms 69:19Alam mo ang aking paghihirap, kahihiyan at kasiraang-puri; nasa harap mo ang lahat ng aking mga kalaban.
Isaiah 49:7Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel, ang kanilang Banal, sa isang hinamak ang buhay, kinamuhian ng mga bansa, at isang alipin ng mga pinuno, “Makikita ka ng mga hari at tatayo sila, at makikita ka ng mga prinsipe at luluhod sila, dahil kay Yahweh na tapat, kahit ang Banal ng Israel, na pumili sa iyo.”