Mark 16:6
Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus. Bumangon na siya! Wala siya rito. Tingnan ninyo kung saan siya inilagay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 105:3Magmalaki sa kaniyang banal na pangalan; hayaang magalak ang puso nilang naghahanap kay Yahweh.
Matthew 12:40Sapagkat gaya ni Jonas na tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng malaking isda, gayundin na ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi na nasa ilalim ng lupa.
Matthew 28:4At nayanig ng takot ang mga tagapagbantay at naging tulad ng patay na mga tao.
Mark 9:9Habang sila ay bumababa ng bundok, inutusan niya na walang sinuman ang kanilang pagsasabihan kung ano ang kanilang nakita, hanggang ang Anak ng Tao ay bumangon mula sa patay.
Luke 24:4At nangyari na, habang sila ay nalilito tungkol dito, biglang may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na nakakasilaw ang damit.
Luke 24:46Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, na kailangang maghirap ang Cristo, at muling mabuhay mula sa patay sa ikatlong araw.