Mark 5:34
Sinabi niya sa kaniya, “Anak, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Umuwi ka nang may kapayapaan at gumaling ka sa iyong karamdaman.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 1:17Pagkatapos sumagot si Eli at sinabing, “Umalis ka ng mapayapa; ipagkaloob nawa ng Diyos ng Israel ang iyong kahilingan na iyong hiniling sa kanya.”
2 Kings 5:19Sinabi ni Eliseo sa kaniya, “Humayo ka nang mapayapa.” Kaya umalis si Naaman.
Matthew 9:2Masdan ito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralisado na nakaratay sa isang higaan. Nang nakita niya ang kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus sa paralisado, “Anak, magalak ka. Ang iyong mga kasalanan ay napatawad na.”
Mark 5:29Nang mahawakan niya siya, tumigil ang pagdurugo, at naramdaman niya sa kaniyang katawan na siya ay gumaling na sa kaniyang paghihirap.
Luke 7:50At sinabi ni Jesus sa babae, “Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo. Humayo ka nang payapa.”
Luke 17:19Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka, at humayo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”