Mark 6:14
Nabalitaan ito ni Haring Herodes sapagkat kilalang-kilala na ang pangalan ni Jesus. Sinasabi ng iba, “Si Juan na Tagapagbautismo ay binuhay mula sa mga patay at dahil dito, ang mga kamangha-manghang kapangyarihang ito ang kumikilos sa kaniya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 26:15Nagtayo siya sa Jerusalem ng mga makina na inimbento ng mga bihasang lalaki upang ilagay sa mga tore at sa mga kuta, kung saan papana ng mga pana at ng mga malalaking bato. Lumaganap sa malayong mga lupain ang kaniyang katanyagan, sapagkat siya ay lubos na tinulungan hanggang sa siya ay naging lubos na makapangyarihan.
Matthew 14:1Nang mga panahon na iyon, narinig ni Herodes na tetrarka ang mga balita tungkol kay Jesus.
Mark 1:45Ngunit siya ay umalis at sinimulang sabihin sa lahat, at labis na ikinalat ang nangyari, anupat si Jesus ay hindi na malayang makapasok sa kahit anong bayan. Kaya siya ay nanatili sa mga ilang na lugar at pumupunta ang mga tao sa kaniya mula sa lahat ng dako.
Mark 8:28Sumagot sila at sinabi, “Si Juan na Tagabautismo. Sinasabi ng iba, 'si Elias,' at ang iba, 'Isa sa mga propeta.'”
Luke 7:17Itong balita tungkol kay Jesus ay kumalat sa buong Judea at sa lahat ng kalapit na mga rehiyon.
Luke 13:31Hindi nagtagal, may ilang mga Pariseong dumating at sinabi sa kaniya, “Pumunta ka at umalis dito dahil nais kang patayin ni Herodes.”