Mark 6:15
Sinasabi ng iba, “Siya si Elias.” Sinabi pa ng iba, “Siya ay isang propeta, tulad ng isa sa mga propeta noong sinaunang panahon.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Others said, That it is Elias. And others said, That it is a prophet, or as one of the prophets.
In Context
16Ngunit nang marinig ito ni Herodes, sinabi niya, “Si Juan na pinugutan ko ng ulo ay binuhay.”
Cross References
Matthew 16:14Sinabi nila, “Sabi ng iba na si Juan na Tagapagbawtismo; ang iba, si Elias; at ang iba, si Jeremias, o isa sa mga propeta.”
Matthew 21:11Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”
Mark 9:12Sinabi niya sa kanila, “Tunay na mauunang darating si Elias upang ibalik sa dati ang lahat ng bagay. Kung gayon bakit nasusulat na ang Anak ng Tao ay maghihirap ng maraming bagay at kasusuklaman?
Luke 1:17Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias. Gagawin niya ito upang mapanumbalik ang puso ng mga ama sa mga anak, upang ang mga hindi sumusunod ay mamuhay sa karunungan ng mga matuwid. Gagawin niya ito upang ihanda para sa Panginoon, ang mga taong inihanda na para sa kaniya.”
Luke 7:39Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”
Luke 9:19Sumagot sila at nagsabi, “Si Juan na Tagapagbautismo, ngunit ang iba ay nagsasabing ikaw ay si Elias, ang iba ay nagsasabing isa ka sa mga propeta mula noong unang panahon na nabuhay muli.”