Mark 6:24
Lumabas siya at sinabi sa kaniyang ina, “Ano ang dapat kong hingin sa kaniya?” Sinabi niya, “Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 27:8Kaya ngayon, anak ko, sundin mo ang tinig ko habang inuutusan kita.
2 Chronicles 22:3Siya ay lumakad din sa mga kaparaanan ng sambahayan ni Ahab dahil ang kaniyang ina ang tagapayo sa paggawa ng mga masasamang bagay.
Psalms 27:2Nang lumapit sa akin ang mga gumagawa ng kasamaan para lamunin ang aking laman, ang aking mga kalaban at ang aking mga kaaway ay nadapa at nabuwal.
Psalms 37:14Binunot ng masama ang kanilang mga espada at binaluktot ang kanilang mga pana para ilugmok ang mga naaapi at nangangailangan, para patayin ang mga matuwid.
Ezekiel 19:2at sabihin mo, 'Sino ang iyong ina? Isang babaing leon, namuhay siya kasama ng lalaking anak ng leon; sa kalagitnaan ng mga batang leon, inalagaan niya ang kaniyang mga anak.
Acts 23:12Kinaumagahan, may ilang mga Judio ang gumawa ng kasunduan at sinumpa sa kanilang sarili: sinabi nila na hindi sila kakain o iinom ng kahit ano hangga't hindi nila mapatay si Pablo.”