Mark 8:12
Napabuntong-hininga siya sa kaniyang espiritu at kaniyang sinabi, “Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito? Totoong sinasabi ko sa inyo, walang palatandaang ibibigay sa salinlahing ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus, muling sumakay sa bangka, at pumunta sa kabilang dako.
Cross References
Isaiah 53:3Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong maraming kalungkutan, at siyang pamilyar sa sakit. Kagaya ng isang pinagtataguan ng mga tao ng kanilang mga mukha, siya ay hinamak; Itinuring namin siyang hindi mahalaga.
Matthew 16:4Maghahanap ng palatandaan ang mga masama at mapang-apid na salinlahi, ngunit walang maibibigay na palatandaan sa kanila maliban sa palatandaan ni Jonas.” Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus at umalis.
Mark 6:6Ikinamangha niya ang kanilang kawalan ng pananampalataya. At naglibot siyang nagtuturo sa mga nayon.
Mark 9:19Sinagot sila ni Jesus, “Salinlahing walang pananampalataya, hanggang kailan ba ako kailangang manatili kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin.”
Luke 16:29Ngunit sinabi ni Abraham, 'Nasa kanila si Moises at mga propeta; makinig sila sa kanila.'
Luke 22:67sinasabi “Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kung sabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala,