Matthew 16:4
Maghahanap ng palatandaan ang mga masama at mapang-apid na salinlahi, ngunit walang maibibigay na palatandaan sa kanila maliban sa palatandaan ni Jonas.” Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus at umalis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Nagpunta ang mga alagad sa kabilang bahagi, ngunit nakalimutang magdala ng tinapay.
Cross References
Hosea 4:17Nakiisa ang Efraim sa mga diyus-diyosan, pabayaan siyang mag-isa.
Jonah 1:17Ngayon inihanda ni Yahweh ang isang malaking isda upang lunukin si Jonas, at si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng isda nang tatlong araw at tatlong gabi.
Matthew 15:14Hayaan ninyo sila, mga bulag sila na gabay. Kung ang isang bulag na tao ay gagabayan ang kapwa niyang bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”
Mark 8:12Napabuntong-hininga siya sa kaniyang espiritu at kaniyang sinabi, “Bakit naghahanap ng palatandaan ang salinlahing ito? Totoong sinasabi ko sa inyo, walang palatandaang ibibigay sa salinlahing ito.”
Luke 11:29Nang nagtitipon ang napakaraming tao, sinimulan niyang sabihin, “Ang salinlahi na ito ay masamang salinlahi. Naghahanap ito ng palatandaan ngunit walang palatandaan na maibibigay dito, kung hindi ay ang palatandaan ni Jonas.
Acts 18:6Nang hindi sumang-ayon ang mga Judio at siya ay nilait, pinagpag ni Pablo sa kanila ang kaniyang kasuotan at sinabi sa kanila, “Ang inyong dugo ay sumainyong sariling mga ulo; wala akong kasalanan. Simula ngayon sa mga Gentil na ako pupunta.”