Mark 9:43
Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 13:6Ipagpalagay na ang inyong kapatid na lalaki, na anak na lalaki ng inyong ina, o ang inyong anak na lalaki o inyong anak na babae, o ang asawa ng inyong sinapupunan, o ang inyong kaibigan na sa inyo ay parang sarili ninyong kaluluwa, na palihim na umaakit sa inyo at sinasabing, 'Tayo'y pumunta at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno—
Matthew 3:12Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula.”
Matthew 5:29At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno.
Matthew 18:8Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa.
Mark 9:45Kung ang iyong paa ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pa para sa iyo na pilay kang papasok sa buhay, kaysa may dalawang paa at maitapon sa impiyerno.
Luke 14:21Dumating ang utusan at sinabi sa kaniyang panginoon ang mga bagay na ito. Pagkatapos, nagalit ang panginoon ng bahay at sinabi sa kaniyang utusan, 'Bilisan mo, pumunta ka sa mga kalye at sa mga daanan ng lungsod at dalhin mo dito ang mga mahihirap, ang mga bulag, at ang mga pilay.'