Matthew 18:8
Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 2:20Sa araw na iyon, itatapon ng mga tao ang mga diyus-diyosan nila na yari sa pilak at ginto na ginawa nila para sambahin nila —itatapon nila ito sa mga mowl at paniki.
Isaiah 33:14Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot; panginginig ang lumukob sa mga hindi maka-diyos. Sino sa atin ang kayang manirahan ng ilang araw sa lumalagablab na apoy? Sino sa atin ang kayang manirahan sa walang hanggang pagkakasunog?
Matthew 5:29At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno.
Matthew 15:30Napakaraming tao ang lumapit sa kaniya. Kasama nila ang mga pilay, bulag, pipi at mga lumpo, at marami pang iba na may mga sakit. Inilagay sila sa paanan ni Jesus at sila ay pinagaling niya.
Matthew 25:46Ang mga ito ay pupunta sa walang katapusang parusa ngunit ang matuwid, sa buhay na walang hanggan.”
Luke 14:26“Kung sinuman ang lumapit sa akin at hindi namumuhi sa kaniyang sariling ama, ina, asawa, anak, mga kapatid—oo, at pati ang kaniyang sariling buhay—hindi siya maaaring maging alagad ko.