Matthew 1:21
Isisilang niya ang isang anak na lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao mula sa mga kasalanan nila.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:19Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan.
Genesis 18:10Sinabi niya, “Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah.” Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham.
2 Kings 4:16Sinabi ni Eliseo, “Sa parehong oras ng taong ito, pagkatapos ng isang taon, makakahawak ka ng isang anak.” Sinabi niya, “Hindi, aking panginoon at lingkod ng Diyos, huwag kang magsinungaling sa iyong alipin.”
Isaiah 12:1Sa araw na iyon, sasabihin ninyo, “Magbibigay kami ng papasalamat sa iyo, Yahweh. Kahit na galit ka sa amin, nawala na ang iyong poot, at inaliw mo kami.
Jeremiah 23:6Sa kaniyang mga kapanahunan, maliligtas ang Juda at mamumuhay ang Israel ng may katiwasayan. At ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Si Yahweh ang ating Katuwiran.
Ezekiel 36:25Pagkatapos ay wiwisikan ko kayo ng dalisay na tubig upang maging dalisay kayo mula sa lahat ng inyong karumihan. At dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan.