Matthew 13:20
Siya na naihasik sa mabatong lupa ay siyang nakakarinig sa salita at agad itong tinatanggap nang may galak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 11:13Subalit sinabi ni Saul, “Walang dapat patayin sa araw na ito dahil ngayon, iniligtas ni Yahweh ang Israel.”
2 Chronicles 24:6Kaya ipinatawag ng hari si Joiada, ang pinakapunong pari, at sinabi sa kaniya, “Bakit hindi mo inatasan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang buwis na ipinataw ni Moises, ang lingkod ni Yahweh, at ng kapulungan ng Israel, para sa tolda ng tipanan?”
Psalms 78:34Sa tuwing pinapahirapan sila ng Diyos, nagsisimula silang hanapin siya, at babalik sila at masidhing hahanapin siya.
Isaiah 58:2Gayun pa man ako ay sinisiyasat nila araw-araw at nasisiyahan sa kaalaman ng aking mga paraan, katulad ng isang bansa na isinasabuhay ang katuwiran at hindi tinalikuran ang batas ng kanilang Diyos. Sila ay humingi sa akin ng makatuwirang mga paghatol; sila ay nasisiyahan na lumalapit sa Diyos.
Matthew 13:5Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa.
Mark 6:20sapagkat natatakot si Herodes kay Juan, alam niyang matuwid at banal na tao si Juan, at pinanatili niya itong ligtas. At sa pakikinig nito sa kaniya ay labis siyang nabagabag, subalit siya ay nakinig sa kaniya na may galak.