Mateo 13:42
Itatapon nila ang mga ito sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And shall cast them into a furnace of fire: there shall be wailing and gnashing of teeth.
In Context
Cross References
Psalms 21:9Sa panahon ng iyong galit; susunugin mo sila na parang nasa maalab na pugon. Lilipulin sila ni Yahweh sa kaniyang matinding galit, at lalamunin sila ng apoy.
Daniel 3:15Ngayon, kung handa na kayo—kapag maririnig ninyo ang mga tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng tugtugin—magpatirapa at dumapa sa imahen na aking ginawa at magiging maayos ang lahat. Ngunit kapag hindi kayo sasamba, kaagad kayong itatapon sa naglalagablab na pugon. Sinong diyos ang maaaring magligtas sa inyo mula sa aking mga kamay?”
Matthew 3:12Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula.”
Matthew 13:50Sila ay itatapon nila sa pugon ng apoy na kung saan mayroong mga iyakan at nagngangalit na ngipin.
Matthew 25:41At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel,
Luke 13:28Magkakaroon ng pagnanangis at pagngangalit ng ngipin kapag nakita ninyo sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, ngunit kayo—kayo ay itinapon sa labas.