Ezra 7:10
Pinatatag ni Ezra ang kaniyang puso sa pag-aaral, sa pagsasagawa, at pagtuturo sa mga alituntunin at mga utos ng batas ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 33:10Itinuro niya kay Jacob ng inyong mga panuntunan, at mga batas sa Israel. Maglalagay siya ng insenso sa iyong harapan, at ang buong sinunog na mga alay sa inyong altar.
1 Chronicles 29:18Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo.
2 Chronicles 17:8Kasama nila ang mga Levita: Sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonijas, Tobias at Tobadonijas at kasama nila ang mga paring sina Elisama at Jehoram.
2 Chronicles 30:22Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Ezra 7:25Ezra, sa karunungang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, ikaw ay dapat magtalaga ng mga hukom at mga lalaking may mahusay na pagpapasya upang maglingkod sa lahat ng tao sa ibayong Ilog, at upang maglingkod sa sinumang nakakaalam sa batas ng Diyos. Ikaw ay dapat ring magturo sa mga hindi pa nakakaalam sa batas.
Job 11:13Pero ipagpalagay na itinakda mong ayusin ang iyong puso at iniunat ang iyong mga kamay patungo sa Diyos;