Matthew 13:54
Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa kaniyang sariling rehiyon at nagturo sa mga tao sa kanilang mga sinagoga. Ang kinalabasan nito ay namangha sila at sinabi, “Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at saan nagmula ang mga himalang ito?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
53At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito ay umalis na siya sa lugar na iyon.
Cross References
Psalms 40:9Pinahayag ko ang magandang balita ng iyong katuwiran sa malaking pagtitipon; Yahweh, alam mong hindi ko mapipigilan ang labi ko sa pagsasabi nito.
Matthew 4:23Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, ipinangaral niya ang ebanghelyo ng kaharian, pinapagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao.
Mark 6:1Umalis siya doon at pumunta siya sa kaniyang sariling bayan at sumunod ang kaniyang mga alagad.
John 1:11Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan.
Acts 4:13Nang makita nila ang katapangan ni Pedro at Juan, at nabatid nila na sila ay pangkaraniwan lang, mga taong walang pinag-aralan, nagulat sila, at nalaman nilang sina Pedro at Juan ay nakasama ni Jesus.
Acts 28:17At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw tinawag ni Pablo ang mga lalaking pinuno mula sa mga Judio. Nang sila ay magkakasamang dumating, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, ako man ay walang nagawang pagkakamali laban sa mga tao o sa kaugalian ng ating mga ninuno, dinala ako bilang isang bilanggo mula sa Jerusalem sa mga kamay ng mga Romano.