Matthew 13:57
Nasaktan sila nang dahil sa kaniya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang propeta ay hindi nawawalan ng karangalan maliban sa kaniyang sariling bansa o sa kaniyang sariling pamilya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
58At hindi siya gumawa ng maraming himala doon dahil sa kawalan nila ng paniniwala.
Cross References
Isaiah 8:14Siya ay magiging santuaryo; pero siya ay tulad ng isang bato na tatama sa kanila, at isang malaking bato na makakapagpatumba sa dalawang bahay ng Israel. At siya ay magiging patibong at silo sa mamamayan ng Jersusalem.
Isaiah 53:3Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong maraming kalungkutan, at siyang pamilyar sa sakit. Kagaya ng isang pinagtataguan ng mga tao ng kanilang mga mukha, siya ay hinamak; Itinuring namin siyang hindi mahalaga.
Mark 6:3“Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae dito?” At sumama ang kanilang loob kay Jesus.
Luke 2:34Pagkatapos ay pinagpala sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata, “Makinig kang mabuti! Ang batang ito ay nakatadhana para sa pagbagsak at pagbangon ng maraming tao sa Israel at para sa tanda na tututulan.
Luke 7:23Pinagpala ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa.”
John 6:42Sinabi nila, “Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?”