Matthew 16:14
Sinabi nila, “Sabi ng iba na si Juan na Tagapagbawtismo; ang iba, si Elias; at ang iba, si Jeremias, o isa sa mga propeta.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano ang sinasabi ninyo sa kung sino ako?”
Cross References
Matthew 14:2Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na Tagapagbautismo, muli siyang nabuhay mula sa mga patay. Kaya ang mga kapangyarihang ito ay gumagawa sa kaniya.”
Mark 6:15Sinasabi ng iba, “Siya si Elias.” Sinabi pa ng iba, “Siya ay isang propeta, tulad ng isa sa mga propeta noong sinaunang panahon.”
Luke 9:8at sinabi ng iba na nagpakita si Elias, at sabi ng iba na isa sa mga sinaunang propeta ang muling nabuhay.
John 1:21Kaya siya ay tinanong nila, “Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?” Sabi niya, “Hindi ako.” Sabi nila, “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.”
John 7:40Ang ilan sa maraming tao, nang narinig nila ang mga salitang itoay nagsabi, “Tunay nga na ito ang propeta.”