Matthew 18:20
Sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ang nagkatipon dahil sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For where two or three are gathered together in my name, there am I in the midst of them.
In Context
Cross References
Exodus 20:24Kailangan gumawa ka ng isang makalupang altar para sa akin at kailangang ihain mo itong mga handog na susunugin, mga handog ng pagtipon-tipon, tupa at mga baka. Sa bawat lugar na kung saan pararangalan ang pangalan ko, pupuntahan at pagpapalain kita.
Zechariah 2:5Sapagkat Ako ang magiging pader na apoy sa palibot niya at ako ang magiging kaluwalhatian sa kalagitnaan niya — ito ang pahayag ni Yahweh.
John 8:58Sabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si Abraham, ay AKO NGA.”
John 20:26Pagkalipas ng walong araw, muling nasa loob ang mga alagad at si Tomas ay kasama nila. Dumating si Jesus habang ang mga pinto ay nakasara, tumayo sa gitna nila at sinabi, “Nawa ang kapayapaan ay sumainyo.”
1 Thessalonians 1:1Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo para sa iglesiya ng mga taga-Tesalonica sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
Revelation 1:11Ito ay sinabi: “Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakita at ipadala ito sa pitong mga iglesia—sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea.”