Matthew 18:9
Kung ang inyong mga mata ay maging dahilan ng inyong pagkatisod, dukutin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang mata.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 5:22Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno.
Matthew 16:26Ano ang mapapala ng isang tao, kung mapasakaniya man ang buong mundo ngunit ang kabayaran ay ang kaniyang buhay? Ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kaniyang buhay?
Matthew 19:17Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga kautusan.”
Mark 9:47Kung ang iyong mata ang dahilan upang ikaw ay madapa, dukutin mo ito. Mas mabuti pang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa mayroong dalawang mata at maitapon sa impiyerno,
Acts 14:22Ipinagpatuloy nilang palakasin ang isipan ng mga alagad at hinikayat sila na magpatuloy sa pananampalataya. Sinabi nila sa kanila na sa pamamagitan ng maraming pagdurusa bago tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.
Revelation 21:27at walang marurumi ang maaaring makapasok dito. Maging ang sinumang gumagawa ng anumang kahihiyan o panlilinlang ang makakapasok, pero ang mga nakasulat lamang ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.