Matthew 19:28
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kayo na sumunod sa akin, sa bagong kapanganakan kapagka ang Anak ng Tao ay uupo na sa trono sa kaniyang kaluwalhatian, kayo rin naman ay uupo sa labindalawang mga trono, maghuhukom sa labingdalawang mga tribu ng Israel.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 24:4Pagkatapos sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ni Yahweh. Umagang-umaga, nagtayo si Moses ng altar sa paanan ng bundok at inayos ang labing dalawang mga haligi na bato, kaya ang mga batong iyon ang siyang kumatawan sa labing dalawang lipi ng Israel.
Leviticus 24:5Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay.
1 Kings 18:31Kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ang bawat bato na kumakatawan sa mga lipi ng mga anak ni Jacob — ito ay kay Jacob na ang salita ni Yahweh ay dumating, sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.”
Ezra 6:17Naghandog sila ng isandaang toro, isandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang tupa para sa pagtatalaga sa tahanan ng Diyos. Ladindalawang lalaking kambing ay inialay din bilang isang handog para sa kasalanan ng lahat ng Israelita, isa para sa bawat tribu ng Israel.
Isaiah 66:22Ito ang pahayag ni Yahweh— kung gaano katagal mananatili sa harapan ko ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin, ganoon din katagal mananatili ang inyong kaapu-apuhan, at ang inyong pangalan ay mananatili.
Matthew 20:21Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang nais mong hilingin?” Sinabi niya sa kaniya, “Ipag-utos mo na ang aking dalawang anak ay makakaupo sa iyong kaharian, ang isa sa iyong dakong kanang kamay at ang isa naman ay sa iyong dakong kaliwang kamay,.”