Matthew 2:11
Sila ay pumunta sa bahay at kanilang nakita ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Yumukod sila at sumamba sa kaniya. Binuksan nila ang kanilang mga kayamanan at inihandog nila ang kanilang mga kaloob na ginto, kamanyang, at mira.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang may labis na kagalakan.
Cross References
Exodus 30:23“Kunin mo itong mga pinong pampalasa: limandaang sekel ng umaagos na mira, 250 sekel ng matamis na halimuyak na kanela, 250 sekel ng matamis na halimuyak na tubo,
Leviticus 2:1Kapag magdadala ang sinuman ng isang butil na handog kay Yahweh, dapat pinong harina ang kaniyang handog, at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ito ng insenso.
Numbers 7:14Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
1 Samuel 10:27Subalit ilang walang kabuluhang lalaki ang nagsabi, “Paano tayo maililigtas ng lalaking ito?” Inalipusta ng mga taong ito si Saul at hindi siya dinalhan ng anumang regalo. Subalit nanahimik lang si Saul.
1 Kings 10:10Binigyan niya ang hari ng 120 talentong ginto at malaking halaga ng mga pabango at mga mamahaling mga bato. Wala nang mas higit pang halaga ng mga pabango tulad nitong mga ibinigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon ay kailanman naibigay pa muli sa kaniya.
Psalms 45:8Ang lahat ng iyong kasuotan ay amoy mira, mga sabila at kasia; mula sa mga palasyong gawa sa garing pinasasaya kayo ng mga instrumentong may kwerdas.