Matthew 21:34
Nang ang panahon ng pag-aani ng ubasan ay papalapit na, nagpadala siya ng ilan sa kaniyang mga utusan sa mga tagapag-alaga ng ubasan upang kunin ang kaniyang mga ubas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 17:13Gayon man si Yahweh ay nagpahayag sa Israel at sa Juda sa bawat propeta at sugo, sinasabing, ''Talikuran ang inyong masasamang gawa at sundin aking mga utos at aking mga bilin, at maingat na sundin lahat ng batas aking pinag-utos sa inyong mga ama, at aking ipinabatid sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod ang mga propeta.''
Nehemiah 9:29Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.
Isaiah 5:4Ano pa ang maaari kong gawin na hindi ko nagawa para sa aking ubasan? Nang inasahan kong mamunga ito ng matatamis na ubas, bakit namunga ito ng maaasim?
Jeremiah 35:15Ipinadala ko ang lahat ng aking mga lingkod, na mga propeta. Patuloy ko silang ipinapadala upang sabihin, 'Tumalikod ang bawat tao sa kaniyang masamang pamamaraan at gumawa ng mabubuting bagay, huwag nang sumunod ang sinuman sa ibang diyos at sambahin ang mga ito. Sa halip, bumalik kayo sa lupain na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.' Ngunit hindi kayo makikinig sa akin o magbibigay pansin.
Zechariah 7:9“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Humatol nang may tunay na katarungan, katapatan sa kasunduan at habag. Gawin ito ng bawat lalaki para sa kaniyang kapatid na lalaki.
Mark 12:2Sa tamang panahon, ipinadala niya ang kaniyang lingkod sa mga tagapag-alaga ng ubas upang tanggapin mula sa kanila ang ilan sa mga bunga ng ubasan.