Matthew 22:16
At pinadala nila ang kanilang mga alagad sa kaniya, kasama ang mga tagasunod ni Herodes. Sinabi nila kay Jesus, “Guro, alam namin na ikaw ay makatotohanan, at nagtuturo sa pamamaraan ng Diyos ng may katotohanan. At wala kayong pakialam sa sinasabi nang sinuman, at hindi nagpapakita ng pagtatangi sa mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Kaya sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo? Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi?”
Cross References
1 Kings 22:14Sumagot si Micaya, “Habang nabubuhay si Yahweh, ito ang sinasabi niya sa akin na aking sasabihin.”
Psalms 5:9Dahil walang katotohanan sa kanilang bibig; ang kanilang panloob na pagkatao ay masama; ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan; nang-uuto sila gamit ang kanilang dila.
Psalms 55:21Ang kaniyang bibig ay kasindulas ng mantikilya, pero ang kaniyang puso ay naghamon; mas malambot pa kaysa sa langis ang kaniyang mga salita, pero ang totoo sila ay mga binunot na espada.
Isaiah 59:13Kami ay nagrebelde, itinatanggi si Yahweh at tumatalikod mula sa pagsunod sa aming Diyos. Kami ay nagsalita ng paniniil at sa paglihis, nag-isip ng reklamo mula sa puso at mga salita ng kasinungalingan.
Ezekiel 33:30At ikaw, anak ng tao—nagsasabi ang iyong mga tao ng mga bagay tungkol sa iyo sa tabi ng mga pader at sa mga tarangkahan ng mga tahanan, at nagsasabi ang isa—sa bawat lalaki sa kapatid niyang lalaki, 'Pumaroon tayo at makinig sa salita ng propeta na mula kay Yahweh!'
Malachi 2:6Ang totoong katuruan ay nasa kaniyang mga bibig at ang kasamaan ay hindi masumpungan sa kaniyang mga labi. Kasama ko siyang lumakad sa kapayapaan at katuwiran at inilayo niya ang marami mula sa kasalanan.