Matthew 23:34
Kaya, tingnan ninyo, magsusugo ako ng mga propeta, mga pantas, at mga eskriba. Ang iba sa kanila ay papatayin ninyo at ipapako sa krus. At yung iba sa kanila hahagupitin ninyo sa mga sinagoga ninyo at hahabulin ninyo sila saang lungsod man sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
33Kayong mga ahas, mga anak ng ulupong, paano ninyo matatakasan ang hatol sa impyerno?
Cross References
2 Chronicles 36:15Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
Matthew 10:16Tingnan ninyo, ipadadala ko kayo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga asong lobo, kaya maging marunong kayo tulad ng mga ahas at hindi mapanakit tulad ng mga kalapati.
Matthew 13:52At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”
Matthew 28:19Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.
Luke 24:47At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.
John 20:21At muling sinabi sa kanila ni Jesus, “Nawa ang kapayapaan ay sumainyo. Kung paano ako isinugo ng Ama, gayun din ko kayo sinusugo.”