Matthew 25:1
Ang kaharian ng langit ay magiging katulad ng sampung birhen na nagdala ng kanilang mga ilawan at pumuntang sumalubong sa lalaking ikakasal.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Ang lima sa kanila ay hangal at ang lima ay matatalino.
Cross References
Psalms 45:9Ang mga anak na babae ng mga hari ay kabilang sa mga kagalang-galang na kababaihan; sa iyong kanang kamay nakatayo ang reyna na nadaramtan ng ginto ng Ophir.
Song of Solomon 1:3May kaaya-ayang halimuyak ang iyong mga langis na pamahid; parang pabangong dumadaloy ang iyong pangalan, kaya iniibig ka ng mga dalaga.
Song of Solomon 5:16Ang kaniyang bibig ay napakatamis; siya ay ganap na kaibig-ibig. Ito ang aking minamahal, at ito ang aking kaibigan, mga anak na babae ng mga lalaki sa Jerusalem.
Isaiah 54:5Dahil ang inyong Manlilikha ay ang inyong asawa; Yahweh ng mga hukbo ang kanyang pangalan. At Ang Banal ng Israel ay ang inyong Manunubos; Tinatawag siyang Diyos ng buong daigdig.
Daniel 2:44Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman.
Matthew 5:16Hayaan ninyong magliwanag ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao sa paraang makikita nila ang inyong mga mabubuting gawa at papurihin ang inyong Amang nasa langit.