Matthew 25:34
At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, pinagpala kayo ng aking Ama, mamanahin ninyo ang kaharian na inihanda para sa inyo mula pa noong likhain ang mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
33Ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.
Cross References
Genesis 12:2Gagawin kitang isang dakilang bansa, at pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging isang pagpapala.
Psalms 2:6“Ako mismo ang naghirang sa aking hari sa Sion, ang aking banal na bundok.”
Psalms 115:13Kaniyang pagpapalain ang nagpaparangal sa kaniya, kapwa bata at matanda.
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Isaiah 33:22Dahil si Yahweh ay ating hukom, si Yahweh ay ating tagapagbigay ng batas, si Yahweh ay ating hari; ililigtas niya tayo.
Ezekiel 37:24Si David na aking lingkod ang maghahari sa kanila. Kaya magkakaroon ng isang pastol sa kanilang lahat, at lalakad sila ayon sa aking mga utos at tutuparin nila ang aking mga panuntunan at susundin nila ang mga ito.