Matthew 25:44
At sasagot din sila at sasabihin, “Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o dayuhan, o hubad, o may sakit, o nasa kulungan, at hindi kayo pinaglingkuran?'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 15:20Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, “Sa katunayan ay sinunod ko ang boses ni Yahweh, at pumunta sa daan na ipinadala ako ni Yahweh. Nabihag ko si Agag, ang hari ng Amalek, at ganap na nilipol ang mga Amalek.
Jeremiah 2:35Sa halip, sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Wala akong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh ang galit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan ka sapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.'
Malachi 2:17Pinagod ninyo si Yahweh sa pamamagitan ng inyong mga salita. Ngunit sinasabi ninyo, “Paano namin siya pinagod?” Sa pagsasabing, “Lahat ng gumagawa ng masama ay mabuti sa paningin ni Yahweh at nagagalak siya sa kanila;” o “Nasaan ang Diyos nang katarungan?”
Matthew 7:22Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?'
Luke 10:29Ngunit ang guro na naghahangad na na bigyang katuwiran ang kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, “At sino ang aking kapwa?”