Matthew 3:11
Binabautismuhan ko kayo sa tubig para sa pagsisisi. Ngunit ang darating kasunod ko ay mas makapangyarihan kaysa sa akin at ako ay hindi karapat-dapat na magdala maging sa kaniyang sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 44:3Dahil aking ibubuhos ang tubig sa uhaw na lupa, sa tuyong lupa dadaloy ang mga batis, at ibubuhos ko sa iyong mga supling ang aking Espiritu, at ang mga anak mo ay pagpapalain.
Zechariah 13:9Dadalhin ko ang ikatlong bahaging iyon sa apoy at dadalisayin ang mga ito na gaya ng pagdalisay sa pilak; susubukin ko sila gaya ng pagsubok sa ginto. Tatawag sila sa aking pangalan, at sasagutin ko sila at sasabihin, 'Ito ay aking mga tao!' at sasabihin nila, 'Si Yahweh ay aming Diyos!”
Matthew 3:6Binautismuhan niya sila sa Ilog ng Jordan habang sila ay nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
Mark 1:7Nangaral siya at sinabi, “Mayroong darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na yumuko para kalasin man lang ang tali ng kaniyang sandalyas.
Luke 3:3Siya ay naglakbay sa buong rehiyon sa palibot ng ilog Jordan, nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Luke 7:6Kaya si Jesus ay nagpatuloy sa kaniyang lakad kasama nila. Ngunit nang malapit na siya sa bahay, ang senturion ay nagpadala ng mga kaibigan para sabihin sa kaniya, “Panginoon, huwag na kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan sa aking tahanan.