Matthew 3:6
Binautismuhan niya sila sa Ilog ng Jordan habang sila ay nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And were baptized of him in Jordan, confessing their sins.
In Context
5Pumunta sa kaniya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea at lahat ng karatig rehiyon ng Ilog ng Jordan.
Cross References
Leviticus 16:21Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
Numbers 5:7Kung gayon, dapat niyang aminin ang kasalanang kaniyang nagawa. Dapat niyang ganap na bayaran ang halaga ng kaniyang pagkakasala at dagdagan ang halaga ng higit sa ikalimang bahagi. Dapat niyang ibigay ito sa isang taong nakagawan niya ng kamalian.
Job 33:27Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
Proverbs 28:13Ang isa na nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi yayaman, ngunit ang nagpapahayag at nagpapabaya sa kanila ay pakikitaan ng habag.
Daniel 9:4Nanalangin ako kay Yahweh na aking Diyos, at ipinahayag ko ang aming mga kasalanan. Sinabi ko, “Nagsusumamo ako sa iyo, Panginoon, ikaw ay dakila at kahanga-hangang Diyos na siyang tumutupad ng kasunduan at tapat sa mga umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga kautusan.
Matthew 3:13Pagkatapos ay dumating si Jesus sa Ilog ng Jordan mula Galilea upang magpabautismo kay Juan.