Matthew 3:8
Mamunga kayo na karapat-dapat sa pagsisisi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Bring forth therefore fruits meet for repentance:
In Context
Cross References
Isaiah 1:16Maghugas kayo, linisin ninyo ang mga sarili niyo; alisin ninyo ang kasamaan sa mga gawain ninyo sa paningin ko; tigilan ninyo na ang pagiging masama;
Jeremiah 26:13Kaya ngayon, ayusin ninyo ang inyong pamumuhay at mga nakasanayan at makinig kayo sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos upang mahabag siya tungkol sa kapahamakan na kaniyang ipinahayag laban sa inyo.
Matthew 21:28Subalit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa una at sinabi, 'Anak pumunta ka at magtrabaho sa araw na ito sa ubasan,'
Luke 3:8Mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi, at huwag ninyong simulan na sabihin sa inyong mga sarili, 'Mayroon tayong Abraham bilang ama natin,' dahil sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay may kakayahang lumikha ng mga anak para kay Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.
Acts 26:20ngunit, una sa mga nasa Damasco at pagkatapos ay sa Jerusalem at sa lahat ng dako ng bansa ng Judea, at pati na rin sa mga Gentil, nangaral ako upang sila ay magsisi at bumalik sa Diyos, gumagawa ng mga bagay na karapatdapat sa pagsisisi.
2 Corinthians 7:10Sapagkat ang kalungkutan mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisisi na kumukumpleto sa kaligtasan ng walang panghihinayang. Gayon man, ang kalungkutan sa mundo ay nagdadala ng kamatayan.