Matthew 3:7
Ngunit nang makita niyang nagsisidatingan ang maraming mga Pariseo at mga Saduseo upang magpabautismo sa kaniya, sinabi niya sa kanila, “Kayong mga anak ng mga makamandag na mga ahas, sino ang nagbabala sa inyo na makakaiwas kayo sa poot na darating?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Binautismuhan niya sila sa Ilog ng Jordan habang sila ay nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
8Mamunga kayo na karapat-dapat sa pagsisisi.
Cross References
Psalms 58:3Ihinihiwalay ang mga masasama mula sa sinapupunan; naliligaw na sila simula nang kapanganakan pa lamang, na nagsasabi ng mga kasinungalingan.
Isaiah 59:5Sila ay nagpipisa ng mga itlog ng isang makamandag na ahas at naghahabi ng sapot ng gagamba. Sinuman ang kumakain ng kanilang mga itlog ay namamatay, at kung ang isang itlog ay mapisa, ito ay napipisa para maging isang makamandag na ahas.
Jeremiah 51:6Lumayo kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, hayaang iligtas ng bawat tao ang kaniyang sarili. Huwag kayong malilipol sa kaniyang labis na malaking kasalanan. Sapagkat ito na ang panahon ng paghihiganti ni Yahweh. Pababayaran niya ang lahat ng ito sa kaniya.
Ezekiel 33:3Titingnan niya kung may paparating na espada sa lupain, at hihipan niya ang kaniyang trumpeta upang bigyan ng babala ang mga tao!
Matthew 12:24Ngunit nang marinig ng mga Pariseo ang mga himalang ito, kanilang sinabi, “Ang taong ito ay hindi nakapagpapalayas ng mga demonyo maliban sa pamamagitan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. “
Matthew 15:12Pagkatapos, lumapit ang kaniyang mga alagad at sinabi kay Jesus, “Alam ba ninyo na nasaktan ang mga Pariseo nang marinig nila ang inyong sinabi?”