Matthew 4:13
Umalis siya sa Nazaret at nagpunta at nanirahan sa Capernaum, na nasa Dagat ng Galilea, sa mga teritoryo ng Zebulun at Neftali.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea.
14Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias,
Cross References
Joshua 19:10Tumapat ang ikatlong palabunutan sa lipi ni Zebulon, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. Nagsimula ang hangganan ng kanilang minana sa Sarid.
Matthew 11:23Ikaw, Capernaum, sa tingin mo ba ay maitataas ka sa langit? Hindi, ikaw ay maibababa sa hades. Kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nananatili pa sana magpahanggang ngayon ang bayan na iyon.
Mark 1:21At nakarating sila sa Capernaum at sa Araw ng Pamamahinga, agad na pumunta si Jesus sa sinagoga at nagturo.
Luke 4:30Ngunit siya ay lumakad palusot sa kanilang kalagitnaan at siya ay umalis.
John 4:46Ngayon dumating muli siya sa Cana na nasa Galilea, sa lugar na ginawa niyang alak ang tubig. Mayroong isang maharlikang pinuno na ang anak na lalaking nasa Capernaum ay may sakit.
John 6:24Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus.